Biyernes, Nobyembre 28, 2008

Activity Day:National Book Month Celebration

Araw ng Miyerkules mayroong activity day sa campus......ang isa sa napag-ukulan ko ng pansin ay ang pagdiriwang ng "NationalBook Month Celebration" na idinaos sa college library ng CSPC... Ito ay pinangunahan ni G. Irvin Sto.Tomas na aking guro....
Nasiyahan ako lalo na nang nakabili ako ng isang aklat sa book sale.... ang aklat na iyon ay mura lang naman sa halagang 25 pesos....ang pamagat ng aklat ay "To Play The Fool".....
Ang araw ng activity day ay makulay lalo na nang manood na kami ng cultural contest sa pavilion...... talagang maganda ang pagtatanghal ng bawat nagsilahok....

Ang pag-ulat ko sa kahulugan ng wika...

Araw ng lunes,Nobyembre 24.... sa araw na ito ako ang nag-report sa Filipino. Ang aking report ay tungkol sa "Kahulugan ng wika"...tinalakay ko naman iyon ng maayos subalit namalian ako ni sir sa aking ginawang layunin lalong-lalo na ang aking layunin sa pandamdamin o "affective objective"......
Tinalakay ko ang pananaw ni Dr. Jose Rizal tungkol sa wika..."Ang wika ay ang ugat upang magkaroontayo ng isang maunlad na bansa"....filipino ang lingua franca ng ating bansa...refleksyon ng mga katutubong wika .....
Ayon naman sa isang source ang wika ay ang ating kalasag upang maipahayag ating saloobin,damdamin at ang katiwalian sa ating lugar.....Ngunit ayon naman kay Henry Gleason "Ang wika ay isang masistemang balangkas na may tunog at isinaayos sa paraang arbitraryo......
Habang dinidiskas ko iyon ...si sir naman ay nagsusulat sa board na nagsasaad sa kalinaan sa wika......
At nang matapos na akong magreport idiniskas ni sir ang mga terms na isinulat niya sa board.....

Biyernes, Nobyembre 21, 2008

Banghay aralin na may tv ad ng Pigrolac

Araw ng Lunes malamig na ang simoy ng hangin tandang malapit na ang araw ng pasko......
Ang nagbigay ng trivia ay walang iba kundi ako...ito ay tungkol kay Edgar Allan Poe na tanyag sa pagsulat ng magagandang artikulo na kahit lasing ay kayang gumawa ng mahusay na artikulo... ang best selling na 7 episode ng Harry Potter ang siyang pinaka outstanding lalo na ang pinakahuli-hulihang episode na Deathly Hallow.... best selling book all over the world this year 2008 ay ang Interview with the Vampire ni Anne Rice...
Ang nag-ulat naman ng balita ay si joanabel tungkol sa isang funeraria nagbabalak maglagay
ng sementeryo sa buwan....
Iniulat ni Bb. Jeanelyn Ani ang nai- assign sakanyang banghay aralin na may nilalaman na tv ad... kaya naisip ko na pang akit sa atraksyon ng estudyante ang pagkakaroon ng tv ad na ipapanood sa kanila.......

Mainit na talakayan...malamig na panahon..

Magandang gabi........umaga...tanghali...sa lahat....
Biyernes ng umaga si ate jane o Ms. Domanais ang siyang nagbahagi ng unang trivia tungkol sa kalagayan ng pilipinas sa larangan ng new seven wonders of the world na nangunguna sa botohan..... wow!!!! nabigla ako lalo na nung sinabi nya ang puerto princessa(ngeeeee...)
Kay joy naman ay tungkol sa epekto ng pagkapanalo ni Barack Obama sa presidential election .......at sa aking palagay mas mabuti nga na ang nanalo ay si G. Obama sapagkat malapit sya sa mga pilipino .......
sa seryosong talakayan, tinalakay ng klase ang isang sampol ng malamasusing banghay aralin na akin namang naintindihan ng mabuti.... kaya siguro maaari na rin akong gumawa ng banghay aralin..... pero kailangan ko pa ng maraming kasanayan.....

Mala-masusing banghay aralin....?

Unang araw na itinuro ni sir ay tungkol sa epektibong banghay aralin sa mga mag-aaral. Sa aking pananaw, napagtanto ko ang kahalagahan ng banghay aralin sa buhay ng isang guro dahil marami ang naitutulong nito. Isa sa tulong na nagagawa nito ay ang sumusunod:
1. Ito ang gabay sa guro kung ano ang pasunod-sunod na ituturo niya sa araw-araw sa mga mag-aaral.
2. Ito ang positibong pamamaraan sa pag-lalahad ng leksyon.
.... Kung kaya naisip ko na kapag ako'y ganap ng guro gagawa ako ng epektibong banghay aralin na mapapaunlad ang kaalaman ng mga estudyante. Haaaayyyy....... sa wakas may nasabi rin akong medyo positibo sa buhay ko......
.....let there be a peace on earth............

Ang aking komento sa aming guro.......

Sa unang pagpasok ng aming guro sa Filipino iba't-iba ang "expectation" namin sa kanya. Ang akala namin sa kanya noon ay masungit, at kagaya ng ibang guro na masyado ang expectation sa mga estudyante. Pero ang lahat ng akala namin ay mali.............
Si Mr.Irvin Sto.Tomas ay ok magturo ngunit noong unang pagturo niya sa amin halatang kinakabahan.Pero ang tanong ko eh bakit naman.....? hindi naman kami monster... subalit ok lang yun kasi naiintindihan namin siya......... siguro nga na offend siya sa amin kasi tawa kami ng tawa....
Sir! ito po ang masasabi ko sainyo..... wag kayong kabahan kasi alam kong alam nyo na mayroon kayong sapat na kakayahan sa pagtuturo kagaya ng inyong ama na si Mr. Ireneo Sto. Tomas kaya go!!!!!gogogo!!!go! kaya nyo yan tira-tira......
Sori din po pala kung masyado kaming ...............alam niyo na..........
gogogogogogo....!!!!!!!!!